Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa Maynila. At sa bawat bisita, may bago akong nakikita at natututunan. Subalit hindi ko pa rin talaga kayang sabihin na kilala ko na ang siyudad na aking sinilangan.
Kasama ng
Smokey Tours, nakulayan ng kwento ang dating gala at masid lang. Ang mga manghuhula, mga mataong eskinita, at mga makukulay na kakanin, may sariling salaysay rin pala. Akala ko alam ko na, hindi pa pala.
"
Akala ko alam ko na ang lahat
Ng dapat kong malaman ngunit
Mali na naman, pero ok lang yan...
Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbabakasakali
Dahl lumilipas ang oras, baka ka maiwananan
Kung hindi mo susubukan...
Wag kang matakot na sumikotsikot ka
Sa ganda ng Maynilang araw-araw nakikita
Dahil sulit dito ang oras, baka may mahanap ka
Ba't 'd mo ulit subukan..."
|
Akala mo totoo, iba pala yung hula |
|
|
Akala mo gayuma, para pala sa Nazareno |
|
|
Akala mo Little India, may Muslim Town pala |
|
|
Akala mo hopeless, may hopia pa pala |
|
|
Akala mo kasoy, yun pala ay nga-nga |
|
|
Akala mo madungis, may makikita din naman pala |
|
|
Akala mo sa Italia, yun pala sa Maynila |
|
|
Akala mo agahan, pati pala meryenda |
|
|
Akala mo jeepyney, yun pala ay bus |
|
|
Akala mo gala lang, yun pala may tours |
|